HINDI lang pinakamataas na tower sa buong mundo ang matatagpuan sa Dubai kundi pati na ang pinakamalalim na swimming pool sa buong mundo.
Ayon sa Guinness World Records, may lalim ito na 60 metro o halos 200 pulgada kung saan nasa 15 metro ang lalim nito kumpara sa ibang mga swimming pool.
Naglalaman ito ng 14.6 milyon litrong fresh water o halos kasing dami ng tubig sa anim na Olympic-size swimming pools.
Nakapalibot naman sa naturang pool ang 50 camera para sa seguridad dito.
Samantala, malapit nang magbukas sa publiko ang Deep Dive Dubai kung saan nagkakahalaga sa 135 USD hanggang 410 USD ang isang oras na dive cost nito.
Ugnayan ng China at North Korea, lalong pinalakas sa ika-60th Anniversary friendship PACT ng dalawang bansa
Samantala, mas palalakasin pa ni Chinese President Xi Jinping at North Korean Leader Kim Jong Un ang kanilang ugnayan.
Ito ay matapos minarkahan nila ang kanilang 60th Anniversary Friendship Pact noong Linggo, Hulyo a-onse.
Matatandaang ang China ang pinakamatagal nang kaalyansa ng North Korea simula pa noong Korean War noong 1950.
Ayon naman kay Park Won-Gon, isang professor ng North Korean Studies sa Ewha Womans University, posibleng ang naturang ugnayan ay nakatuon sa lumalalang ugnayan ng Pyongyang at Washington kabilang na ang ugnayang US-Beijing.
Dagdag pa nito, ang mas pinalakas na ugnayan ng dalawang bansa ay posibleng maging dahilan para mas mahihirapan ang pag-denuclearize ng North Korea.