KUMPLETO na ang defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga reklamong crimes against humanity na isinampa laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC).
Ito mismo ang kinumpirma ito ni Atty. Nicholas Kaufman, lead counsel ni dating Pangulong Duterte, sa isang media interview sa The Hague, Netherlands.
Hindi naman na isinapubliko pa ni Kaufman ang mga pangalan ng mga abogadong kasama niya sa depensa, ngunit inaasahan niyang maglalabas ng isang court record ang ICC na magpapakita ng mga bumubuo sa defense team.
Kinumpirma rin ni Kaufman na walang Pilipinong abogado sa core team.
‘’I’m working with the Filipino lawyers. But in the core team here in The Hague, there is not a Filipino lawyer. But it doesn’t mean we dont have Filipino lawyers helping us. There are many Filipino lawyers who want to help and helping out of the goodness of their hearts and many talented Filipino lawyers,’’ ayon kay Atty. Nicholas Kaufman, Legal Counsel ni FPRRD.
Samantala, kaugnay ng interim release ni dating Pangulong Duterte, nakatakdang magsumite ng request ang kanyang defense team.