Degamo Case malapit nang maging case closed

Degamo Case malapit nang maging case closed

INIHAYAG ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na malapit nang maging case closed ang Degamo Case.

Ayon sa kalihim, mayroon na itong nakitang pahayag mula sa suspek na nagtuturo sa mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Saad ni Remula, mayroong nakuhang video na kung saan kausap ng suspek ang itinuturing mastermind sa krimen.

Itinuturing na isang substantial evidence ang nakuhang video para sa kaso.

Sa tanong kung politiko ang mastermind sa pagpaslang, ayon naman sa kalihim mahirap pang magbigay ng detalye.

Napag-alaman naman na nasa kustodiya na ng NBI ang apat na suspek sa pamamaslang kay Degamo.

Follow SMNI NEWS in Twitter