SISIMULAN na bukas, araw ng Huwebes, Agosto 10, ang deliberasyon ng Kamara sa P5.678-T proposed 2024 national budget.
Unang sasalang sa deliberasyon ang economic team ng pamahalaan sa ilalim ng Development Budget Coordination Committee na binubuo nina Sec. Amenah Pangandaman ng Department of Budget and Management; Sec. Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority (NEDA); Sec. Benjamin Diokno ng Department of Finance at Gov. Eli Remolona Jr. ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa susunod na linggo naman sasalang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation, Department of Tourism, Department of Foreign Affairs, Department of Environment and Natural Resources, Department of Energy, Energy Regulatory Commission, Civil Service Commission, Department of Agrarian Reform at ang Department of Social Welfare and Development.
Target naman ng administrasyon na maipasa ang panukalang 2024 national budget bago matapos ang taon.