Delivery ng supplies sa Ayungin Shoal, idaan na sa himpapawid—Rep. Rufus Rodriguez

Delivery ng supplies sa Ayungin Shoal, idaan na sa himpapawid—Rep. Rufus Rodriguez

MAINAM na idaan na sa himpapawid ang delivery ng supplies sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, sa pamamagitan nito ay maiiwasan na ang ma-expose ng mga bangka ng bansa sa anumang panganib tuwing resupply missions.

Maaaring katuwang dito ang Air Force at Navy ayon sa mambabatas.

Hinihikayat din ni Rodriguez na maging katuwang ang mga kaalyadong bansa ng Pilipinas sa nabanggit na resupply missions via airdrop at mai-document ito ng videographers at photographers.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter