NASA 20 na ang nasawi sa Western Visayas dahil sa dengue.
Batay ito sa record ng Department of Health Western Visayas Center for Health Development mula Enero 1 hanggang Agosto 3, 2024.
Nasa 10K (10,188) na rin ang kabuuang naitalang kaso ng dengue sa rehiyon.
Kung ikukumpara noong taong 2023, bagamat 23 ang nasawi ay nasa 4.7K (4,760) lang ang dengue cases na naitala sa kaparehong panahon.
Dahil dito, pinapakilos na ng DOH-Western Visayas ang kanilang Regional Dengue Task Force maging ang inter-agency collaboration para sa outbreak preparedness at response strategies.