DENR at Ayala Land, nagsama-sama para labanan ang polusyon dulot ng plastik

DENR at Ayala Land, nagsama-sama para labanan ang polusyon dulot ng plastik

ISANG makulay na selebrasyon ng #WorldEnvironmentDay ang ginanap sa Glorietta Activity Center sa Makati City, sa pagtutulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Ayala Land kasama ang mga kasosyo nito mula sa sektor ng pag-unlad, non-governmental organizations, gobyerno, at mga pribadong sektor.

Sa pamamagitan ng ENR Talks at exhibit, nagpakita ang mga kalahok na organisasyon ng iba’t ibang paraan kung paano matutulungan ang bansa na maging mas malinis, mas green o mas makakalikasan, at mas sustainable para sa mga susunod na henerasyon. Tinalakay rin nila ang mga makabagong inobasyon at matapang na solusyon sa waste management, circular economy, sustainable alternatives, at marami pang iba.

Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, hindi lamang ito mga kuwento ng tagumpay kundi patunay rin na posible ang pagbabago kapag ang mga tao ay nagtutulungan gamit ang kaalaman, layunin at pananaw.

Nagpasalamat naman ang DENR sa exhibitors, speakers, at partners nito na nagbigay ng kanilang oras at kaalaman para gawing makulay at makabuluhan ang nasabing selebrasyon.

Hindi lamang isang selebrasyon ang #WorldEnvironmentDay dahil nagsilbi ring paalala ang kaganapang ito na posible ang tunay na pagbabago sa ating kalikasan, at sa sama-samang aksyon at pangako, isa na itong hakbang patungo sa mas malinis na kapaligiran para sa lahat.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter