MATAGUMPAY na naisagawa ng Manila Bay Site Coordinating Management Office (MBSCMO) ng DENR National Capital Region ang drone capture operations sa limang pangunahing daluyan ng tubig na apektado ng pagdami ng water hyacinth ngayong 2nd quarter ng 2025.
Pinangunahan ng MBSCMO Survey Team, katuwang ang MBSCMO Technical Unit, ang operasyon na may layuning matukoy at masukat ang lawak ng water hyacinth proliferation bilang bahagi ng regular na monitoring efforts para sa Manila Bay Rehabilitation Program.
Ang mga lugar na isinailalim sa drone survey ay ang Napindan River (MMDA Napindan Dockyard), Manggahan Floodway (Javier Bridge at Manggahan Bridge), Balanti Creek, and Nangka River.
Ang drone-based monitoring ay mahalagang hakbang upang makapagbigay ng data-driven recommendations para sa mas epektibong pamamahala at rehabilitasyon ng mga apektadong waterways, at upang mapanatili ang malinis at maayos na daloy ng tubig sa rehiyon.
Editor’s Note: This article has been sourced from the DENR National Capital Region Facebook Page.