DENR-NCR nagsagawa ng orientation program para sa mga bagong empleyado

DENR-NCR nagsagawa ng orientation program para sa mga bagong empleyado

SA layuning magbigay ng komprehensibong gabay at kaalaman sa mga bagong empleyado, nagsagawa ang DENR National Capital Region ng isang orientation program noong Pebrero 26-28, 2025.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng higit sa 20 kawani ng DENR-NCR mula sa iba’t ibang dibisyon/opisina ng ahensya.

Ang orientation ay may layuning ihatid sa mga bagong empleyado ang mga pangunahing prinsipyo, programa, at responsibilidad ng ahensya, pati na rin ang mga layunin nito patungkol sa pangangalaga at proteksyon ng kapaligiran sa rehiyon.

Tinalakay rito ang mga pangunahing karapatan, pribilehiyo, at benepisyo ng mga bagong kawani. Tinalakay rin dito ang RA 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, maging ang programa ng opisina pagdating sa Gender and Development, at iba pa.

Ayon kay DENR-NCR Assistant Regional Director for Management Services Dr. Erlinda O. Daquigan, ang orientation ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang kahandaan ng mga bagong empleyado sa kanilang mga tungkulin at obligasyon bilang mga kasapi ng DENR.

“Ang mga bagong kawani ng DENR-NCR ay magiging mahalagang bahagi sa mga pagsusumikap natin upang maprotektahan ang kalikasan at mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran. Sa pamamagitan ng tamang orientation, nais naming matulungan kayo sa inyong mga tungkulin at magbigay ng gabay na magagamit ninyo sa araw-araw na trabaho,” ayon kay Dr. Erlinda O. Daquigan, Assistant Regional Director for Management Services, DENR-NCR.

Ang DENR-NCR ay patuloy na nagtataguyod ng mga makabago at inklusibong hakbang upang mapalakas ang kapasidad ng mga kawani nito at matiyak ang matagumpay na implementasyon ng mga programa para sa kapakanan ng kalikasan at ng komunidad.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the DENR National Capital Region Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble