ISASALI na ng PhilHealth sa kanilang benefit package simula sa susunod na taon ang dental care.
Sa anunsiyo ng state health insurer, saklaw ng panibagong benefit package ang preventive services gaya ng mouth examinations o oral screening, dental cleaning, fluoride varnish application, at pit and fissure sealants.
Kasali rin dito ang emergency tooth extractions na may limit ng hanggang dalawang ngipin bawat pasyente sa bawat taon.
Ang panibagong benefit package na ito ay nakalinya sa ‘ngiting 70-20’ initiative na naglalayong umabot ng 70 years old ang isang Pinoy na may at least 20 permanent teeth na intact.