PASOK sa NBA Finals ang Denver Nuggets sa unang pagkakataon sa loob ng 28 playoff appearances at 47 taon!
Nitong Lunes, May 22, 2023 nang tinalo ng Nuggets sa iskor na 113- 111 ang Los Angeles Lakers.
Sa nabanggit na laro, pinangunahan ni Nikola Jokic ang Nuggets matapos nag-ambag ito ng 30 points, 14 rebounds at 13 assists.
Kaugnay nito, nasungkit na rin ni Jokic ang Magic Johnson Western Conference Finals MVP Award.
Sa kasaysayan, huling napasama ang Denver sa finals noong taong 1975 hanggang 1976.