UMARANGKADA na ang playoffs match sa nagpapatuloy na NBA Season 2024-25.
Sa Game 1 sa pagitan ng Denver Nuggets at Los Angeles Clippers, nakuha ng Nuggets ang unang panalo sa kanilang best-of-seven series via 112-110 victory.
Naging dikitan ang laban sa pagitan ng dalawang koponan kung saan sa last 18 seconds ng kanilang game ay naitabla ni James Harden ang kanilang iskor sa 98.
Sa OT game, lumamang na ang Nuggets at tuluyang kinuha ang kanilang unang panalo sa serye.
Pinangunahan naman nina Nikola Jokic, Aaron Gordon at Jamal Murray ang panalo ng Denver.