IPAHIHINTO na ang paggamit ng salitang “Filipinas” sa pagtuturo.
Ito ang ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) sa mga public at private school sa bansa.
Kasunod ito sa desisyon ng Komisyon sa Wikang Filipino na huwag nang gamitin ang “Filipinas” sa pagtuturo.
Sa ilalim ito ng DepEd Memorandum No. 74 Series of 2022 na pinirmahan ni DepEd Undersecretary at Chief of Staff Epimaco Densing III.
Ang gagamitin na batay sa direktiba ay ang salitang “Pilipinas” dahil nakasaad naman sa 1987 Constitution ay ito ang opisyal na pangalan ng bansa at hindi “Filipinas”.
“Pilipino” rin ang gagamitin kung ang tinutukoy ay ang mga taong nakatira maging sa kultura ng bansa.
Binigyang diin ng DepEd na hindi na dapat pang mag-reprint ng learning materials at iwasto na lang ito ng mga guro at kawani habang ginagamit sa proseso ng pagtuturo.