SINAGOT na ng Palasyo ng Malacañang ang liham ni National Youth Commission Chairperson at Chief Executive Officer Ronald Cardema ukol sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).
Ayon kay Cardema, sumulat siya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. upang hilingin na gumawa ng executive order hinggil sa mandatory ROTC habang wala pang batas hinggil dito.
Ani Cardema, pinapakuha sa kanya ng Palasyo ang komento o opinyon ng iba’t ibang education agencies ng bansa katulad ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Department of National Defense at Boys Scout and Girls Scout of the Philippines.
Pinaliwanag din ni Cardema na dahil sa ROTC, puedeng makatulong ang mga kabataan na nagsanay dito sa mga disaster response ng bansa kapag may bagyo, lindol at iba pang sakuna.
Sa ngayon, sinabi ni Cardema na marami na sa mga mambabatas ang mandatory ROTC.
Hinihiling din ni Cardema kay Pangulong Marcos Jr. na mag-issue ito ng executive order ukol sa pagbabalik ng military training sa mga paaralan.
Dagdag pa ni Cardema, dapat talagang magkaroon ng military training ang mga kabataan sa Pilipinas dahil palaging nagkakaroon ng bagyo at iba’t ibang kalamidad ang tumatama sa bansa.