INANUNSIYO ng Department of Education (DepEd) ang paglulunsad ng summer learning programs sa susunod na buwan.
Layunin nitong palakasin ang kasanayan sa pagbasa at iba pang foundation skills ng mga mag-aaral.
Ayon sa DepEd, apat na programa ang ilulunsad: ‘Bawat Bata Makabasa Program’, ‘Literacy Remediation Program’, ‘Summer Academic Remedial Program’, at ‘Learning Camp’.
Ang mga programang ito ay isasagawa sa mga piling paaralan sa buong bansa bilang suporta sa learning recovery ng mga estudyante ngayong bakasyon.