MARIING kinondena ng Department of Education (DepEd) ang nakaka-alarmang gawain ng mga komunista na nagsasanhi ng pagka-abala sa pag-aaral ng mga estudyante sa Masbate.
Ayon sa DepEd, ang mga terorismong ito na patuloy na pinangungunahan ng New People’s Army (NPA) ay nagdulot ng matinding trauma sa mga mag-aaral at school personnel na nakasaksi sa karahasan.
Siniguro naman ng DepEd na patuloy ang ugnayan nila sa pagitan ni Vice President Sara Duterte at ng Army Division Commander at nangako na po-protektahan ang mga school personnel at mag-aaral sa mga apektadong lugar.
Inihayag din mismo ni VP Duterte ang intensiyon nitong bumisita sa mga apektadong lugar sa Masbate.