NAGPAABOT ng pakikiramay ang Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) sa pamilya ng isang minor student na nasaksak at napatay ng kapwa nito mag-aaral sa Culiat High School sa Quezon City.
Ayon sa DepEd-NCR, ikinalungkot nila at lubos itong nababahala sa aksidente dahil hindi nila inaasahang mangyayari ito sa loob ng paaralan na sana’y ligtas na lugar para sa mga mag-aaral.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang 15-taong gulang na batang suspek.
Isinailalim na rin sa psychological first aid ang mga witness sa naturang pananaksak.
Para naman sa 13-taong gulang na biktima, magbibigay ng assistance ang DepEd-NCR at Culiat High School sa pamilyang naiwan nito.
Sa ulat, bandang 5:45 kahapon ng umaga naganap ang aksidente.
Tinuturong rason ang pag-aaway ng dalawa dahil umano sa selos kung kaya’t humantong na sa pananaksak.