PUMALO na sa 294,032 ang kabuoang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Quezon City.
Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), 0.1% o 183 na lamang ang kumpirmadong active cases mula sa nasabing bilang.
Habang nasa 99.1% o 291,486 na ang gumaling sa nakakahawang sakit at nasa 0.8% o 2,363 na ang bilang ng mga nasawi.