PINASALAMATAN ng Department of Education (DepEd) ang Commission on Elections (COMELEC) kasunod ng napapanahong pagpapalabas ng honoraria para mga gurong nagsilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Batay sa report na isinumite ng COMELEC, 100 porsiyento sa mga tauhan ng DepEd ang nakatanggap ng kanilang election honoraria.
Pinasalamatan din ng DepEd ang Public Attorney’s Office (PAO), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang kaukulang ahensiya na nagbigay ng teknikal, legal, at seguridad na tulong sa mga paaralan at tauhan.
Sabi ng ahensiya, kaisa rin sila para sa isang mas matatag na Pilipinas sa tulong ng mga bagong halal na opisyal ng BSKE.