SINUSPINDE ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes ngayong araw ng Lunes, Abril 8, 2024.
Ayon sa DepEd, lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa ay magpapatupad ng asynchronous o distance learning para bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makumpleto ang kanilang mga nakabinbing gawain, proyekto, at iba pang mga kinakailangan.
Gayundin, ang mga guro at non-teaching personnel sa lahat ng pampublikong paaralan ay hindi kinakailangang mag-report sa kanilang eskwelahan.
Samantala, ang mga pribadong paaralan ay hindi saklaw ng abisong ito ngunit may opsiyon na ipatupad ang parehong sistema ayon sa DepEd.