Gilas Pilipinas, panalo vs. Latvia sa FIBA Olympic qualifying tournament

Gilas Pilipinas, panalo vs. Latvia sa FIBA Olympic qualifying tournament

MAS lalong umaasa ngayon ang Gilas Pilipinas na makapaglalaro sila sa 2024 Paris Olympics.

Kasunod ito sa matagumpay na game nila kontra Latvia sa FIBA Olympic Qualifying Tournament, umaga ng Huwebes, July 4, Philippine time.

Sa game na ito, 89-80 pabor sa Gilas ang scoring at pinangunahan ito ng 26 points, 9 rebounds at 9 assists ni Justin Brownlee.

May ambag rin na 18 points si Kai Sotto habang si Dwight Ramos ay may 12 points; June Mar Fajardo na may 11 points; at Chris Newsome na may 10 points.

Susunod na makakalaban ng Gilas ang bansang Georgia, ngayong Huwebes, 8:30 ng gabi, Philippine time.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble