NAIS gumawa ng kanta para sa mga Taliban ang actor-singer na si Derrick Monasterio.
Ayon kay Derrick, nag-ugat umano ito sa kanyang pagiging apektado sa kasalukuyang sitwasyon sa bansang Afghanistan kung saan ang namumuno na doon ay ang teroristang grupong Taliban.
Itoy matapos napabagsak ng grupo ang gobyerno ng Afghanistan.
Aniya, sobrang swerte na nating mga Pilipino ang manirahan sa isang bansang walang digmaan gaya ng nangyari doon.
Ang actor na si John Lloyd Cruz naman ay nagpaabot ng pakikiramay sa sitwasyon ng nabanggit na bansa.
Nakakagimbal aniya na mapagitna sa isang tunay at aktwal na giyera.
Napapanood lang umano niya ang kaparehong sitwasyon sa mga palabas subalit kakaiba pala ayon kay Lloydie kung mangyari ito sa totoong buhay.