Desisyon ng korte na huwag pagbigyan ang bail plea ni De Lima, dapat respetuhin—DOJ

Desisyon ng korte na huwag pagbigyan ang bail plea ni De Lima, dapat respetuhin—DOJ

HINDI kinatigan ng Muntinlupa RTC ang bail plea ni dating Senadora Leila de Lima.

Hindi pa rin makakalaya sa kulungan sa Camp Crame ang dating senadora.

Ito ay matapos hindi kinatigan ng Muntinlupa RTC Branch 256 ang bail plea na inihain nito.

Ang desisyon ay inisyu ni Presiding Judge Romeo Buenaventura para sa kaniyang criminal case na may kaugnayan sa illegal drug trading.

Matatandaan na inihain ni De Lima ang bail plea dahil sa humanitarian reason.

Punto ni De Lima na senior citizen na aniya ito at may iniindang sakit.

Pero ayon sa korte, walang seryosong sakit ang senadora na mismong si De Lima na aniya ang nagsabi.

“The accused herself admitted that though she is already senior citizen and has several health issues, she is not suffering from any serious or life threatening health condition,” pahayag ng Muntinlupa RTC Br. 256.

Isinaad din ng korte, na napatunayan ng prosekusyon na sa prima facie o ‘at first sight’ na may kasunduan sa mga akusado kabilang na si De Lima sa pagsagawa ng illegal drug trading sa pamamagitan ng paggamit  ng mga NBP inmates.

“The court is also convinced that the prosecution proved prima facie the agreement and subsequent decision among the accused to commit illegal drug trading by using NBP inmates to sell and trade illegal drugs,” ayon sa Muntinlupa RTC Br. 256.

Hindi rin kumbinsido ang korte sa argumento ni De Lima na kulang sa kredibilidad ang mga testigo ng prosekusyon.

Ayon dito, na ang mga maliit na inconsistencies sa mga pahayag ng witness ay hindi magpapahina sa kasong isinampa ng prosekusyon.

“It is well-settled that minor and insignificant inconsistencies tend to bolster, rather than weaken, the credibility of witnesses for they show that his testimony was not contrived or rehearsed.”

“Trivial inconsistencies do not rock the pedestal upon which the credibility of the witness rests, but enhances the credibility as they manifest spontaneity and lack of scheming,” dagdag ng Muntinlupa RTC Br. 256.

Sa kabila ng desisyon ng korte, nilinaw nito na hindi nila agad hinuhusgahan ang magiging kinalabas ng paglilitis sa drug case nito.

“The culpability or innocence of the accused will still be decided on the basis of all the evidence presented by the parties and only after trial on the merits of the case,” ayon pa sa Muntinlupa RTC Br. 256.

Kasunod nito, mananatili sa piitan si De Lima habang nililitis ang kaniyang natitirang drug case.

Matatandaan na acquitted na si De Lima sa dalawa mula sa tatlong drug case nito.

Ang ikalawang drug case nito ay binasura ng korte noong nakaraang buwan dahil sa reasonable doubt.

Ito ay matapos bumaliktad ng testimonya ang state witness sa Criminal Case 76 ni De Lima si dating BuCor OIC Rafael Ragos.

Ang kampo ni De lima ay maghahain ng motion for reconsideration kasunod ng desisyon ng korte.

Ang Justice Department sinabi naman na dapat respetuhin ang desisyon ng hukuman.

Sa Hunyo 19 at 26 ay magpapatuloy ang trial sa pinakahuling drug case ni De lima.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter