WALANG mga Pilipinong guro na naaresto sa isinagawang operasyon sa Estados Unidos kamakailan laban sa isang umano’y wanted na tao sa Maui, Hawaii.
Ang nangyari ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), pansamantalang hinuli ang ilang mga Pilipino sa loob ng humigit-kumulang 45 minuto noong Mayo 6.
Ang hinahanap naman na wanted ay matagal nang wala doon sa lugar mahigit isang taon na ang nakalipas.
Sa kabila nito ay tiniyak ng DFA na patuloy nilang minomonitor ang mga kaganapan at handa silang magbigay ng angkop na tulong kung kinakailangan.