LUMAGDA ng memorandum of understanding (MOU) ang Department of Human Settlement (DHSUD) sa pagitan ng 4 na mga lokal na pamahalaan sa Mindanao.
Kabilang ang mga alkalde ng Cagayan de Oro City, Gingoog, Opol sa Misamis Oriental, at Tubod sa Lanao del Norte na mga lalawigan sa Mindanao.
Ito’y may kaugnayan sa proyekto ng administrasyong Marcos na ‘Pambansang Pabahay’ program.
Halos 50,000 pamilya ang inaasahang makikinabang sa naturang programa at nasa 60 ektarya ng lupain ang sakop ng housing project kung saan itatayo ang ilang medium-high-rise buildings.
Nangako rin ang kalihim ng all-out support sa mga LGU na bahagi ng pabahay program.