DILG chief, pagpapaliwanagin si PNP chief Marbil kaugnay ng kontrobersyal na PNP convoy sa EDSA busway

DILG chief, pagpapaliwanagin si PNP chief Marbil kaugnay ng kontrobersyal na PNP convoy sa EDSA busway

KUKUMPIRMAHIN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kay Philippine National Police chief Rommel Marbil ang isyu ukol sa PNP convoy sa EDSA busway.

Sinabi ni Remulla na tatanungin at pagpapaliwanagin niya si Marbil kung ano talaga ang nangyari.

“I will ask him. Again, it is news to me that nangyari iyon. I have to confirm with him then I will ask for an explanation kung anong nangyari,” ayon kay Sec. Jonvic Remulla, DILG.

Iginiit ng kalihim na wala siyang alam sa kontrobersyal na insidente kung saan lumabag sa traffic rules ang convoy ng PNP chief sa EDSA Buslane.

Samantala, may malinaw na babala si Remulla sa lahat ng matataas na opisyal na hindi awtorisadong gumamit ng EDSA Busway sabay sinabing mismo siya’y hindi dumadaan dito.

Binanggit naman ng DILG secretary ang tungkol sa mahigpit ng kasunduan nila kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa zero-tolerance policy sa paggamit ng EDSA busway.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble