HINIKAYAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na paigtingin ang kampanya sa energy conservation.
Bilang tugon ito sa kasalukuyang mataas na demand sa kuryente.
Ayon sa Memorandum Circular 2025-515, inaatasan ang mga LGU na gumawa ng Local Energy Efficiency and Conservation (EEC) plan na naglalaman ng mga konkretong hakbang sa pagtitipid ng kuryente at gasolina.
Kasali na rin dito ang imbentaryo ng mga sasakyang ginagamit ng gobyerno.
Kailangan namang magtatag ang mga lgu ng sariling EEC office sa ilalim ng kanilang planning units.
Hinimok din ang mga mayor at gobernador na maglabas ng executive order para pormal na ipatupad ang energy-saving measures sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.