Dinismiss na kasong kaugnay sa ‘Bloody Sunday’, iniapela sa DOJ

Dinismiss na kasong kaugnay sa ‘Bloody Sunday’, iniapela sa DOJ

NAGHAIN na ng motion for reconsideration sa Department of Justice (DOJ) ang mga abogado ng isa sa mga nasawi sa tinaguriang ‘Bloody Sunday’ na si Manny Asuncion na namatay sa police operation sa Southern Tagalog noong March 7, 2021.

Ito ay makaraang ibinasura ng DOJ panel of prosecutors noong January 16, 2023 ang reklamong murder laban sa 17 pulis ng Rizal at Laguna na kabilang sa team na nagsilbi ng search warrant kay Asuncion sa Dasmariñas Cavite dahil sa umano’y kawalan ng probable cause.

Sinabi ni Atty. Julian Agpalo ng National Union of Peoples Lawyer na kasama sa kanilang mosyon ang naging findings ng Commission on Human Rights na taliwas sa findings ng DOJ.

Kasabay nito ay naghain naman ng motion for inhibition ang mga abogado ni Liezel Asuncion – naulilang maybahay ni Manny Asuncion laban kay Senior Assistant State Prosecutor Rodan Parrocha.

Sabi ni Atty. Agpalo, si Prosecutor Parrocha ang pinuno ng binuong task force ng gobyerno para sa counter-terrorism kaya naniniwala silang hindi magiging patas ang paghawak nito sa kaso ni Asuncion.

 

Follow SMNI News on Twitter