INANUNSYO ni Manila North Cemetery Director Roselle Castañeda, na papayagan na nila ang mga batang may edad 12-taong gulang pababa basta’t nakumpleto nila ang pagbabakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Castañeda na ito ang naging desisyon ng pamunuan ng nabanggit na sementeryo para magkaroon naman ng pagkakataon ang mga batang fully vaccinated na mabisita ang mga yumao nilang kaanak.
Aniya, hinihimok nila ang mga nakakatanda, PWDs at may mga comorbidities na huwag nang magtungo sa Manila North Cemetery upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kalusugan.
Sinabi pa ni Castañeda, sa entrance pa lamang ng Manila North Cemetery ay oobligahin nila ang mga papasok na magsuot na ng face mask dahil aminado sila na mahirap ipatupad ang physical distancing sa dami ng tao.
Sakali naman lumuwag o kumonti ang bilang ng tao sa loob ng Manila North Cemetery, maaari naman daw ibaba o tanggalin ang face mask.