Director ng PNP Region 11 o Davao Region, sinibak sa puwesto dahil sa bigong operasyon vs Pastor Apollo C. Quiboloy

Director ng PNP Region 11 o Davao Region, sinibak sa puwesto dahil sa bigong operasyon vs Pastor Apollo C. Quiboloy

AGAD na sinibak sa puwesto ang director ng PNP Region 11 o Davao Region na si PBGen. Aligre Martinez na inilipat sa Police Holding and Accounting Unit (PHAU).

Papalit kay Martinez si PBGen. Nicolas Torre mula sa Communication and Engineering Service.

Tanggal din sa puwesto si PMGen. Ronald Lee ng PNP Directorate for Operations at kasalukuyang nasa holding unit ng PNP.

Ang pumalit ay si PBGen. Nicolas Salvador ng Directorate for Plans.

Tanggal din sa puwesto bilang hepe ng Intelligence Group si PCol. Edwin Portento na dinala rin sa PHAU.

Ang dahilan ng balasahan ay sa kabiguan nilang nahuli ang subject for warrant of arrest na si Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ at limang iba pang kasamahan nito.

Matatandaang limang compound ng KOJC ang niraid ng mga operatiba ng PNP SAF at CIDG ngunit bigo nilang nakita ang kanilang target.

Epektibo ang balasahan Hunyo 14, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble