SA video na ipinadala ng Sugar Regulatory Administration (SRA), apektado ng ash fall o abo ang La Granja Agricultural Research and Extension Center sa lungsod ng La Carlota sa Negros Occidental.
Ito ay matapos ang ‘explosive eruption’ o muling pagputok ng Bulkang Kanlaon na kasalukuyang nasa Alert Level 3 dahil sa patuloy na pag-aalburoto.
Dahil dito, ipinag-utos ni SRA Administrator Pablo Azcona ang pag-activate sa Disaster Response Team na pamumunuan ni SRA Board Member David Sanson na tututok sa kalagayan at kaligtasan ng mga empleyado ng ahensiya.
“We recently activated our SRA Disaster Response Team headed by SRA Board Member David Sanson and we are on alert, particularly ensuring the safety of our employees. I ordered the evacuation of our research facility in La Granja, La Castellana in Negros Occidental, with a skeleton crew left behind to secure the facility,” ayon kay Pablo Azcona, Administrator, Sugar Regulatory Administration.
Pansamantala ring isinara muna ang opisina ng SRA sa La Castellana kung saan nasa halos 200 ang apektado habang tinatayang nasa 20 empleyado naman na bahagi ng skeleton workforce ang naiwan para bantayan ang pasilidad.
Handa rin daw’ng i-deploy ang mga sasakyan na maaaring gamitin ng lower government units (LGUs) kung kinakailangan.
“All our vehicles are ready to deploy when requested by the LGUs,” wika ni Pablo Azcona, Administrator, Sugar Regulatory Administration.
Sinabi naman ni SRA Board Member David Sanson, naglaan ng apat na milyong pisong (P4-M) halaga ng emergency supplies ang ahensya sa oras na kakailanganin ng mga naapektuhang kababayan.
Naglabas din ng kautusan ang SRA na oras na lumala pa o iakyat sa alert level 4 ang sitwasyon sa Bulkang Kanlaon ay bukas ang tanggapan nito sa Bacolod para maging evacuation center ng mga empleyado at ng kanilang apektadong pamilya.