Disaster Assistance Team ng Pilipinas tumulak ng Myanmar

Disaster Assistance Team ng Pilipinas tumulak ng Myanmar

TUMULAK na patungong Myanmar ang 114 tauhan ng Pilipinas para mag-abot ng humanitarian assistance at disaster relief sa mga naapektuhan ng malakas na lindol doon.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), 80 rito ay binubuo ng tig-isang light Urban Search and Rescue (USAR) team mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Apex Mining Corporation/First Gen-Energy Development Corporation (EDC) Search, Rescue and Retrieval (SRR) teams.

Kabilang din dito ang 31 tauhan mula sa Department of Health (DOH) gayundin ang 2 tauhan mula sa OCD.

Pangungunahan ito ni LTC Erwin Diploma ng Philippine Air Force (PAF) bilang contingent commander.

Bitbit ng grupo ang K9 o SAR dogs, medical assistance teams, gamot, medical equipment, emergency first aid kits, mobile generators, water sanitation kits, solar-powered lights, at temporary shelters gaya ng tents at tarpaulin sheets.

Ang hakbang ay bahagi ng commitment ng Pilipinas sa naturang bansa para magsagawa ng humanitarian assistance at disaster relief operations kasunod ng pagtama ng mahigit magnitude 7 na lindol doon.

Posible namang tumagal ng dalawang linggo ang misyon ng Philippine contingent sa Myanmar hanggang sa makabangon muli ang bansa mula sa naturang kalamidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble