IBINASURA ng Korte Suprema ang disbarment case laban kina Atty. Trixie Cruz-Angeles at Atty. George Panglinawan.
Sa desisyon na inilabas ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, sinabi ng korte na nabigong patunayan ng nagreklamo na nilabag ng dalawang abogado ang Code of Professional Responsibility and Accountability.
Matatandaan na nag-ugat ang disbarment case sa mga Facebook post ng dalawang abogado kaugnay ng kasong kanilang hinahawakan na may kinalaman sa isang ministro mula sa isang sekta.