MAY bagong yunit na hatid ang DITO Telecommunity na magbibigay ng serbisyo sa mga maliliit na negosyo maging ng mga local government unit (LGU).
DITO means business’ yan ang magkasabay na pahayag ni DITO Telecommunity CEO Eric Alberto at DITO Chief Administrative Officer Atty. Adel Tamano.
Kasabay ito sa pormal na pagpapakilala ng kanilang pinakabagong yunit na tinatawag na DITO business na magbibigay ng serbisyo sa mga maliliit na negosyo sa bansa.
Inaasahang opisyal itong ilulunsad sa unang quarter ng 2024.
Ayon kay Alberto, layon ng DITO business ay magbigay ng 5G connectivity at iba pang solusyon sa negosyo tulad ng konsultasyon sa cybersecurity at data privacy sa mga small and medium-sized enterprises (SMEs).
Ito’y upang matulungan ang mga negosyante na mapabuti ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng mas mabilis na koneksiyon sa internet.
“We’d like to target the underserved SMEs as primary partners, provider, enabler to their digital requirements. And then segueing into initially as backup, highly resilient and quality backup for large and multinational enterprises with mission-critical work. And hopefully, as technology proves itself to be viable and reliable ambition to be a primary provider ang enabler services to these enterprises,” ayon kay Ernesto Alberto, CEO, DITO Telecommunity.
Bukod sa mga SME, plano rin ng DITO na magbigay ng serbisyo sa pamamagitan ng pag-digitalize ng mga serbisyong pampubliko ng mga ahensiya ng gobyerno lalo na sa mga lokal na yunit ng pamahalaan.
“And with the emergence of digital native younger politicians, I think there is a clamor for this digitally-adept constituencies to ask for their younger leaders that they deliver and provide public services through digital means,” dagdag ni Alberto.
Ayon kay Alberto, may halos isang milyong mga negosyo na ang nakarehistro sa DITO, 800,000 ang aktibo at nag-ooperate na sa bansa.
Samantala, ipinagmamalaki naman ni Tamano na ang DITO ay walang lumang mga imprastraktura.
Aniya kumpara sa ibang mga telco, ang kanilang DITO business standalone 5G ay malakas pa rin ang signal kahit ilan pang devices ang naka-connect nang sabay-sabay, at may fixed wireless access na hindi na kailangang maghukay ng katakot-takot upang magkaroon ng mabilis na internet.
“Our 5G technology standalone really rivals any other 5G technology in the Philippines. And that allows you that low latency, that speed, that 5G should have,” ayon kay Atty. Adel Tamano, DITO Chief Revenue Officer.
Sinisiguro naman ni Alberto na abot kaya ng mga subscriber nila ang mga produkto at serbisyo ng DITO.
“The focus of DITO is not only high-quality products and services but also cost-competitive,” dagdag ni Alberto.
Inaasahan na sa paglulunsad ng kanilang DITO business ay maraming negosyante ang makikinabang at hindi magtatagal ay maaari nang mararanasan ng mga Pilipino ang ginhawa na hatid ng DITO business.