WINALIS ni Novak Djokovic si Roberto Carballes Baena ng España upang makapasok na sa ikalawang round at maituloy ang kanyang kampanya para sa ika-10 Australian title nito kasunod ng deportation nito noong isang taon.
Ang 35 taong gulang na na-ban noong nakaraang taon mula sa tournament ng kaparehong taon dahil sa covid vaccination stance nito ay nagawang mawalis ang kanyang kalaban sa iskor na 6-3,6-4,6-0.
Pinasalamatan ni Djokovic ang mainit na pagtanggap sa kanya ng crowd at sinabing napakasaya niya dahil nakabalik na siya sa Australia court kung saan siya nagkaroon ng pinakamalaking tagumpay ng kanyang karera.
Sa pagkawala ni Djokivic noong nakaraang taon, napanalunan ng long-time rival nitong si Rafael Nadal ang titulo ng Australian Open upang makuha ang 21st grand slam nito na pinaabot nito hanggang ika-22 sa French Open.