DMW, binuksan ang hotline para sa mga Pinoy sa Japan kasunod ng mapaminsalang lindol

DMW, binuksan ang hotline para sa mga Pinoy sa Japan kasunod ng mapaminsalang lindol

NANANATILING bukas at activated ang mga hotline ng Pilipinas para sa mga overseas Filipino worker (OFWs) at mga pamilya nila matapos niyanig ng 7.6 magnitude na lindol ang Japan.

Ang mga hotline ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) ay 1348 para sa DMW-OWWA Japan Help Desk (local); (+632) 1348 para sa DMW-OWWA Japan help desk (abroad); at (+81) 7022756082 o (+81) 7024474016 para sa DMW-MWO-Osaka.

Tumatanggap din ang helpline ng mga tawag kahit sa labas ng Japan.

Nangyari ang lindol 4:10 hapon nitong Enero 1, 2024.

May lalim itong 10 kilometro, 42 kilometro sa Northeast Anamizu, Ishikawa Prefecture.

Nasa 32,500 na kabahayan ang nawalan ng kuryente dahil dito ayon sa Hokuriku Electric Power.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble