Maynila, Pilipinas – Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) hinggil sa tumataas na bilang ng mga balikbayan boxes na inaabandona o hindi naipapadala ng ilang foreign at local forwarding companies.
Ayon sa DMW, dapat laging suriin ng mga OFW ang estado at track record ng kanilang freight forwarders, upang matiyak na makararating ang mga padalang kahon sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.
Kasabay ng babala ng DMW, naglabas ng listahan ang Bureau of Customs (BOC) ng mga foreign at local consolidators na umano’y sangkot sa maling paghawak, pagkaantala, o pag-abandona ng balikbayan boxes.
Mga foreign forwarding companies na may ulat ng inabandona o na-delay na padala:
Kabayan Island Express Cargo
Allwin Cargo LLC
Manila Cargo
Mediacom Express Cargo
Pinoy Network Cargo WLL
GM Multi Services Cargo
Sel Air Cargo
Sky Freight
CMS General Services FZC LLC
Tag Pinas Marine Brokerage Company
Bluebridge International Gen
Lawin International Logistics Co. L
Rensworld Freight Logistics Corp
Mga local forwarding companies na nasa listahan ng BOC:
FBV Forwarders and Logistics, Inc.
Cargoflex Haulers Corporation
Rensworld Freight Logistics Corporation
CMG International Movers
Etmar International Logistics
KC Door to Door Delivery Services
FGTI Forwarding Services
MBS Cargo Mover Co.
Tri Star Cargo Express Int’l Phils Inc.
J Box Express Line
Pinayuhan ng DMW ang publiko, lalo na ang mga OFW, na gumamit lamang ng mga BOC-accredited at DTI-registered freight companies, at i-monitor ang tracking number ng kanilang mga padala mula sa pagpapadala hanggang sa pagdating.
“Hindi biro ang hirap at sakripisyo ng ating mga OFWs. Karapatan nilang matiyak na ligtas at maayos ang pagdating ng kanilang mga padala,” ayon sa pahayag ng DMW.
Para sa mga reklamo o ulat kaugnay ng inabandona o nawawalang balikbayan boxes, maaaring makipag-ugnayan sa BOC Customer Assistance and Response Services (CARES) o sa hotline ng DMW.