DMW, nagbigay ng P3.3-M tulong pinansiyal para sa 51 OFWs sa Qatar

DMW, nagbigay ng P3.3-M tulong pinansiyal para sa 51 OFWs sa Qatar

NAGBIGAY ng tatlong milyong pisong tulong pinansiyal ang Migrant Workers Office (MWO) sa limampu’t isang (51) OFW sa Qatar sa pamamagitan ng Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga kababayan nating nangangailangan ng AKSYON Fund.

Ang DMW AKSYON Fund ay isang komprehensibong sistema ng suporta na nag-aalok ng medical assistance, financial aid, repatriation services, at emergency assistance. Layunin nitong magbigay ng agarang at epektibong tulong sa mga OFW na nangangailangan, tinitiyak ang kanilang kaligtasan, seguridad, at kagalingan.

Pinangunahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Felicitas Q. Bay at MWO Qatar Labor Attaché Eduard C. Ferrer ang pinansiyal na tulong sa mga OFW na nakararanas ng mga problema sa kalusugan, pagtatalo sa trabaho, at iba pang hindi inaasahang sitwasyon.

Sabi ni Usec. Bay, ang pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng AKSYON Fund ay nagpapakita ng malalim na pagmamahal at pag-aalaga na ibinibigay ng gobyerno ng Pilipinas sa mga OFW at sa kanilang mga pamilya. Ito’y isang paalala na ang mga sakripisyo ng mga OFW ay hindi kailanman nakakalimutan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble