NAGPADALA ang Department of Migrant Workers (DMW) ng isang team sa Myanmar upang magbigay ng suporta sa mga Pilipinong labis na naapektuhan ng magnitude 7.7 na lindol.
Binubuo ang team nina Assistant Labor Attache Don Albert Philippe Pangcog at mga kawani mula sa central office at Migrant Workers Office sa Bangkok kabilang na ang mga administrative at technical staff.
Nagkakahalaga naman ng P75,000 ang financial assistance na ipinaabot ng DMW sa bawat biktima kasama ang iba pang welfare services sa mga OFW na naapektuhan ang kabuhayan at kita dahil sa lindol.
Matatandaan na mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nang tumama ang malakas na lindol sa Myanmar na nagdulot ng libu-libong nasawi at nasugatan.