DMW, nakahandang tumulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng  6.6 magnitude na lindol sa Taiwan

DMW, nakahandang tumulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng 6.6 magnitude na lindol sa Taiwan

INIHAYAG ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na nais nitong tiyakin sa 147,000 na manggagawang Pilipino na ang ahensiya ay nakahandang magbigay ng tulong at suporta sa mga naapektuhan ng mahigit 6 magnitude na lindol na tumama sa Taiwan noong Linggo.

Kinumpirma ni Ople na inutusan nito ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) gayundin ang iba pang opisyal nito sa Taiwan na magbigay sa kanya ng regular na mga update habang umuusad ang sitwasyon.

“I would like to assure our over 147,000 OFWs in Taiwan and their families that the DMW is ready to provide the needed assistance, particularly for those who have been affected by the earthquake,” pahayag ni Ople.

Sa ngayon ani Ople wala namang Pilipino ang naiulat na nasawi sa naturang lindol.

Wala ring aniyang report na nasugatan o napinsala na mga OFW na nasa worksite o dormitoryo kahit patuloy na nakararanas ng pagyanig at aftershocks.

Hinihimok ng kalihim ang mga OFW na sundin ang mga tagubilin ng Taiwan Manpower Agencies at iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno at manatiling konektado sa gobyerno ng Pilipinas at mga kinatawan ng Filipino community.

Mga kontak na numero sa Taiwan:

Taipei    Taichung              Kaohsiung

Mobile: +886 932 218 057              Mobile: +886 966 537 732              Mobile: +886 988 976 596

Facebook / Messenger: POLO Taipei       Facebook / Messenger: MECO Polo Taichung     Facebook / Messenger: MECO Polo OWWA Kaohsiung

Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasa hurisdiksyon ng Konsulado ng Pilipinas sa Osaka ang naapektuhan o nasugatan ng bagyong Nanmadol.

Sa isang pahayag na inilabas, sinabi ni DFA spokesperson Ma.Teresita Daza ang ilang mga Pilipino sa Kagoshima Prefecture ay nagpasyang sundin ang panawagan ng kanilang mga lokal na pamahalaan na lumikas sa mga kalapit na evacuation center.

Wala ring Pilipino naiulat ang nawalan ng tirahan dahil sa bagyo.

“As of today, no Filipino under  the jurisdiction of the Philippine Consulate in Osaka has been affected or injured by typhoon Nanmadol.  While some Filipinos in Kagoshima Prefecture have opted to heed the call of their local governments to evacuate to nearby evacuation centers, no Filipino has been permanently displaced by the storm,” pahayag ni Ma. Teresita Daza, tagapagsalita ng DFA.

Ang Philippine Consulate General sa Osaka ay patuloy na minomonitor ang sitwasyon at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga Filipino community organization na nasasakupan nito, partikular sa timog-kanlurang bahagi ng Japan.

Follow SMNI News on Twitter