DND, iginiit na dapat idaan sa usaping legal ang pagtanggap ng Afghan refugees

DND, iginiit na dapat idaan sa usaping legal ang pagtanggap ng Afghan refugees

MAY payo si Department of Defense (DND) Secretary sa pamahalaan kaugnay sa usapin ng pagtanggap ng Afghan refugees sa bansa.

Sa panayam ng media kay DND Secretary Gilberto ‘Gibo’ Teodoro, dapat aniyang isaalang-alang ng gobyerno ang mga umiiral na batas sa pagtanggap ng refugees.

Ito’y matapos hilingin ng Estados Unidos na makapasok sa Pilipinas ang libu-libong Afghan refugees.

Giit ng kalihim, kailangang manindigan ang Pilipinas sa umiiral na batas sa pagtanggap ng nasabing mga banyaga.

 “Yung sa Afghan refugees, inuulit ko. Hinihintay pa namin ang opinyon ng DOJ kung ito ay legal at puwedeng pagbigyan o hindi. Kasi kung hindi maari sa batas ng republika, ano pang pag-uusapan natin? So, hinihintay pa po namin ang opinyon ng DOJ diyan. Ito’y hindi humanitarian ang hinihingi eh, ibang kaso ito. At kahit na humanitarian ang rason inaaral pa rin ng ating gobyerno ang lahat ng indikasyon,” pahayag ni Sec. Gilbert ‘Gibo’ Teodoro, DND.

‘Di umano’y kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa pagtanggap ng Afghan refugees, pinabulaanan—DND

Bagamat naniniwala rin naman si Teodoro na hindi masama aniya ang pagtulong sa kapwa, pero mas mainam din aniya na unahin munang iprayoridad ang mga panloob na isyu ng bansa.

Giit ng kalihim, Hindi madali na desisyon ‘yun, dahil titingnan natin ang kapasidad natin na tanggapin sila on a different basis kung sila ay magiging transcient dito kung hindi permanente silang maninirahan dito, iba naman ang isyu doon. Kasi nga, bagamat gusto man nating tumulong, may mga kababayan tayo na nangangailangan din ng tulong, pabahay at pangangalaga. ‘Yan ang balanseng kailangang gawin ng gobyerno kung humanitarian naman at sa ngayon wala namang request sa ngayon,” dagdag ni Teodoro.

Dating Pangulong Rodrigo Duterte, sinabing dapat Amerika ang unang magkanlong ng Afghan refugees, hindi Pilipinas

Samantala, sa isang eksklusibong panayam ng SMNI sa programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa” kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat ang Amerika ang magkanlong sa Afghan refugees dahil sa kakayanan nito sa maraming bagay kompara sa Pilipinas.

Sa katunayan pinangaralan pa mismo ng dating Pangulo ang Amerika kung ano ang tamang proseso sa pagtanggap ng nasabing mga banyaga.

Sa huli, nanindigan ang DND ng bansa na batas ng Pilipinas ang dapat na masunod sa nasabing usapin at kailangan aniya itong ipakita sa buong mundo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter