DND Secretary Gilberto Teodoro Jr., nagpaabot ng Christmas message para sa mga Pilipino

DND Secretary Gilberto Teodoro Jr., nagpaabot ng Christmas message para sa mga Pilipino

SA kabila ng mga kinakaharap na pagsubok at hamon ng bansa, personal na nagpaabot ng kaniyang mensahe ngayong Kapaskuhan si Defense Sec. Gilberto Teodoro.

Hiling ng kalihim sa lahat ng nasa bansa at sa ibayong dagat ang isang mapayapang Pasko at bagong taon.

Bukod sa masayang pagsama-sama ng pamilya, asahan aniya ang patuloy nilang pagmamasid at pagbabantay para magkaroon ng matiwasay, makahulugan at makabuluhang Pasko ang mga Pilipino.

Hindi rin aniya magpapahinga ang kanilang tanggapan para sa pagbabantay laban sa mga natural and man-made calamities at panganib na banta sa seguridad ng mga tao.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter