Doc. Willie Ong, tuluyan nang umatras sa Senate race; Statement of withdrawal, inihain ng kanyang asawa na si Doc. Liza Ong

Doc. Willie Ong, tuluyan nang umatras sa Senate race; Statement of withdrawal, inihain ng kanyang asawa na si Doc. Liza Ong

OPISYAL nang umatras sa senatorial race si Doc. Willie Ong matapos niyang ipahayag sa social media noong nakaraang linggo ang kanyang pag-withdraw sa halalan.

Matatandaang bago pa man siya naghain ng Certificate of Candidacy noong Oktubre ay na-diagnose na si Doc. Willie na may abdominal cancer.

Ngayong araw, personal na inihain ni Doc. Liza Ong, maybahay ni Doc. Willi, ang kanyang statement of withdrawal sa main headquarters ng COMELEC sa Intramuros, Maynila.

Sa ngayon, natapos na ni Doc. Willie Ong ang kanyang chemotherapy. Nagpapasalamat ang kanilang pamilya sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paggaling.

Si Doc. Willie ang ika-apat na senatorial candidate na umatras sa halalan.

Nauna nang umatras sina Chavit Singson, Leo Marcos, at Wilbert Lee.

Ayon kay COMELEC Commissioner Ernesto Maceda Jr., kahit umatras si Doc. Willie ay mananatili pa rin ang kanyang pangalan sa balota.

Nilinaw rin ni Maceda na, gaya ni Wilbert Lee na umatras sa panahon ng campaign period, kailangan pa ring magsumite ni Ong ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) pagkatapos ng halalan sa Mayo 12.

Tiniyak naman ng kampo ni Doc. Willie na susunod sila sa regulasyon, ngunit iginiit nilang napakaliit lang ng kanilang nagastos sa kampanya.

Hindi rin daw sila tumanggap ng campaign funds, maging noong nakaraang eleksyon nang tumakbo rin si Doc. Willie.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter