Doctrine Advocacy Program ng AFP WestMinCom, nagsimula na

Doctrine Advocacy Program ng AFP WestMinCom, nagsimula na

UMARANGKADA na ang tatlong araw na Doctrine Advocacy Program ng AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) na tatagal hanggang Huwebes, Oktubre 27.

Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ng AFP Education, Training and Doctrine Command (AFPETDC) sa pamamagitan ng Joint Doctrine Development Center (JDDC).

Kasabay nito, nagkaroon ng courtesy call si Colonel Irvin Tanap, director ng JDDC kay Brigadier General Arturo Rojas, acting commander ng AFP WestMinCom sa Camp Navarro, Calarian, Zamboanga City.

Ayon kay Tanap, layunin ng Doctrine Advocacy Program na i-cascade ang Revised AFP Doctrine Development System.

Magkakaroon din aniya sila ng updates sa AFP Doctrine Development activities, kabilang ang interim doctrine manuals at doctrine development project.

Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng blended mode, kung saan nilahukan ito ng deputies ng unified command staff, special at personal staff ng commander, at intelligence, operations, at civil-military operations officers ng joint task forces at operational control units.

Follow SMNI NEWS in Twitter