HINDI malayong magkakaroon ang Department of Energy (DOE) ng panibagong nuclear agreements sa pagitan ng United Arab Emirates at Argentina.
Sa isang pahayag ni DOE Usec. Sharon Garin, inisyal na itong natalakay ng gobyerno kasama ang dalawang nabanggit na bansa.
Kung maisasakaturapan na nga ang kasunduang ito ay karagdagang partners na sila ng Pilipinas gaya ng naunang nuclear agreements sa pagitan ng Estados Unidos, Canada, South Korea at Hungary.
Mapapansing ikinokonsidera na ng gobyerno ang nuclear investments dahil sa mura at stable ito na source ng kuryente.
Mababawasan din ang pagdepende ng bansa sa imported fuel.