NAGPALABAS ang Department of Finance (DOF) ng Joint Administrative Order (JAO) 001-2025 upang tugunan ang isyu ng smuggling, misdeclaration, at undervaluation ng mga imported goods.
Ang JAO ay naglalayong gawing mas pinadali at mas secure ang Customs Procedures sa bansa.
Ito rin ay susuporta sa naunang Administrative Order 23 ng ahensiya na layong magpatupad ng digital at integrated system para sa pre-border technical verification at cross-border electronic invoicing.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, ang digitalization ng Customs Processes ay magiging hakbang para mapigilan ang smuggling at misdeclaration, protektahan ang mga mamimili laban sa pekeng produkto, at masiguro ang tamang buwis mula sa mga imported goods.
Magiging mas mabilis din ang inspeksiyon ng mga produkto upang tiyakin na ito ay sumusunod sa mga safety at quality standards ng bansa.