DOH at DepEd, naghatid ng libreng serbisyong medikal sa isang paaralan sa Quezon City

DOH at DepEd, naghatid ng libreng serbisyong medikal sa isang paaralan sa Quezon City

PINANGUNAHAN nina Helath Secretary Ted Herbosa, Education Secretary Sonny Angara, at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang isinagawang libreng serbisyong medikal para sa mga guro, mag-aaral, at mga kawani ng Esteban Abada Elementary School sa Quezon City nito lang Miyerkules, Hunyo 18.

Bahagi ito ng “Back-to-School 2025” campaign kung saan nakikipagtulungan ang Department of Education (DepEd) sa Department of Health (DOH) para mapangalagaan ang kalusugan ng mga nasa sektor ng edukasyon.

Tinatayang mahigit limang daang estudyante at empleyado ang nabigyan ng libreng konsultasyon, vital signs check, blood chemistry tests, at chest x-rays sa naturang aktibidad.

Ayon sa DOH, ang serbisyong ito ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng kagawaran na suportahan ang kalusugan ng kabataan sa pamamagitan ng programang “Every Bata Malusog.”

Inaasahan ng DOH at DepEd na magpapatuloy pa ang ganitong klaseng serbisyo sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa para masigurong ligtas at malusog ang pagbabalik-eskwela ng mga bata, guro, at iba pang school personnel.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble