BINAWI na ng Department of Health (DOH) ang inilabas na Code Blue Alert para sa pertussis at tigdas dahil sa pagbaba ng naitatalang kaso ng mga ito sa nakalipas na mga linggo.
Sa datos ng DOH, mula Mayo 12-25, 2024, bumaba ng 38% ang kaso ng pertussis habang 37% naman ang ibinaba ng mga measles-rubella cases.
Sa bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nasa 58 percent ang nai-report na pagbaba ng mga kaso ng measles.
Naging epektibo umano ang pinalakas na vaccination efforts ng gobyerno laban sa mga nasabing sakit.
Matatandaan na noong Marso 20 nang itinaas ng DOH ang Code Blue Alert.