DOH, nagbabala sa publiko laban sa mga ‘di rehistradong produktong pampaganda

DOH, nagbabala sa publiko laban sa mga ‘di rehistradong produktong pampaganda

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga hindi lehitimong produktong pampaganda gaya ng glutathione at stem cell infusion.

Ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa, hindi pa aprubado sa Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas ang paggamit ng IV glutathione para sa pagpapaputi ng balat.

Hanapin lamang aniya ang mga accredited na mga clinics para naman sa stem cell infusion na inaalok sa bansa para maiwasan ang mga palpak na resulta sa pagpapaganda.

Ang babala ay nagmula matapos mamatay ang isang 39 taong gulang na babae na gumamit ng glutathione at stem cell treatments na nagresulta ng hindi magandang reaksiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble