DOH nakakita ng 1% na pagtaas sa kaso ng COVID-19 pagkatapos ng Xmas, Bagong Taon

DOH nakakita ng 1% na pagtaas sa kaso ng COVID-19 pagkatapos ng Xmas, Bagong Taon

SA kabila ng nagdaang selebrasyon ng Bagong Taon at Pasko, nakakita lamang ang Department of Health (DOH) ng 1% na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergerie, mayroon lamang 1% increase na namonitor ang ahensya.

“Ngayong araw na ito nakita natin na meron tayong one percent increase, but this not significant for us to say it that is really uptic cases as the result of the holiday season, so patuloy nating babantayan ito,” ani Usec. Maria Rosario Vergerie, OIC, DOH.

Sa latest data ng DOH na inilabas noong araw ng Lunes, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 447.

Malayo ito sa mahigit 1K mahigit na ating naranasan noong nakaraang mga taon.

Pero pagdating sa bagong COVID-19 cases projection pagdating ng February 15, ayon kay Vergerie, maaring pumalo ito sa mahigit 700 cases kada araw.

“Based on latest forecast, meron tayong projections ngayon, that our by cases Feb 15, if ever minimum, 730 cases,” aniya pa.

Umaasa ang DOH, na hindi sisipa ang kaso ng COVID-19 pagkatapos ang 3 araw na Traslacion sa Quiapo Manila.

Sa tala ng Quaipo Church, umabot daw sa 2M ang crowd o ang bilang ng mga tao na dumalo sa pista.

Kung magkakaroon ito ng epekto sa ating COVID-19 situation, hindi pa masabi ng DOH.

“Ang isang event, kung nangyari kelangan nating bumilang nang atleast two weeks,” dagdag ni Vergerie.

Ipinabatid naman ng DOH, na nasa mahigit 1K katao ang isinailalim sa medical assistance dahil sa pagdalo ng Traslacion.

Sa datos ng ahensya, 788 ang nagkahypertension/hypotension, chest pain at kinuhanan ng blood pressure.

43 ang nagtamo ng sugat, 148 ang nakaramdam ng pagkahilo at pananakit ng ulo o headache.

13 ang nakaranas ng hirap na paghinga at asthma, habang 7 naman ang nagkaroon ng abdominal pain.

 

Follow SMNI News on Twitter